It's been a while since I have updated my blog. Wala pa kasing magandang dahilan noon para magpost dito eh. Pero sa ngayon, andami kong gustong ikwento, pero dahil hindi ko naman pwedeng ikwento kahit kanino kasi medyo confedential kaya dito nalang ako magpost.
August 5, 2015, 1pm sharp ang usapan naming meeting infront of Fiesta Mall, Alaminos City, Pangasinan. Ang malilate,sya manlilibre...haha
12pm na, nasa bahay pa ako, hindi pa nakakaligo. Parang tinatamad ako makipag eyeball kasi ampangit nya sa picture. Tapos parang dugyutin sya at parang garapalan ang ugali nya. Feeling ko katulad sya ng mga karamihan sa mga taga Pangasinan na masyadong malaswa at pabebe masyado ganun. 1pm na, kasasakay ko palang sa bus which will take an hour to get to Alaminos City. Antagal nilang naghintay ni Dante(Pilyong Dante) sa harap ng Nepo. Tawag sila nang tawag sakin, tanong nang tanong kung nasan na ako. Pero lagi kong sinasabi na malapit na ako.
2pm na ako nakarating sa Nepo. Pagdating ko dun, deretso ako agad sa comfort room. Nakashades pala ako, nakacap, naka skinny jeans tas polo shirt tas shoulder bag(panlalaki) na black. Syempre first meet up un kaya meju maayos dapat ang suot ko.
Nong nasa loob na ako ng Nepo, tumawag si Dante, nasa labas lang daw sila ni Francis. Antagal nilang naghintay kaya pagkatapos ko umihi, lumabas na ako agad. Pagdating ko sa labas, si Dante lang nakita ko.(nameet ko na si dante prior to this day). "Oh, asan si Francis?" "Nasa loob sya pumasok, di mo ba nakita?" "Di ko naman sya napansin" "Oh ayan na pala sya ohh..."
"Ui" sabi ko lang kay Francis.. "....." walang words na lumabas sa mouth di Francis, nag smile lang sya... "Sorry ah, naghintay kayo nang matagal. Anu, tara na?" "Saan?' sabi ni Dante... Pumunta kami sa mcdo.. Hindi pa kami nagpapansinan ni Francis nun, meju nagkakailangan kaya si Dante ang parang naging daan namin para maging close, although magkachat na kami ni Francis dati pa. Pero paminsan minsang chat lang naman...
No comments:
Post a Comment