Friday, August 2, 2013

3 Months in Batangas now




Tatlong buwan na pala ako dito sa Batangas ngayon? Ambilis talaga ng panahon. August na agad ngayon, next month SeptermBER na...Tapos Christmas na...

Andami na ring mga nangyari sakin dito..

Last week of June, may nakilala akong isang kaibigan through social site na naging espesyal sakin..Lagi syang nagtetext sakin, kung minsan naman ay tumatawag sya...

Hindi nagtagal, naging espesyal na sya sakin...Nagkita kami nong gabi ng July 5...Nagkwentuhan at lalo pa naming nakilala isa't isa..

July 6, nagtext sya ulit. "ano na?"

"anong ano na?"

sabi nya,"gusto mo ba ako?"

ayos to..so nireplayan ko sya after a minute..."ikaw, gusto mo ba ako?"

ito sabi nya,"wala ka bang pakiramdam? hindi mo ba nahalata?"

hehe,kilig naman daw ako.."I like you" yan ang sabi nya..

alam ko na iba un sa "I LOVE YOU"

kaya sabi ko nalang din,"I like you soo"

nagkaroon kami ng commitment nong gabing yown..July 6.....Ilang araw nalang, isang bwan na kami..


Mga twice a week kaming nagkikita..Kita lang kami,kain ng guisado,ihaw ihaw tas uwi na sya sa kanila..

Pero bakit ganito,parang hindi ako inlove sa kanya...Nararamdaman ko rin na hindi nya ako ganun kamahal...

Naglulukohan lang ba kami?

Pero bakit wala atang gustong umamin?

Tinanong ko sya minsan, "gusto mo ba talaga ako?
 tapos tumingin lang sya..

"ano namang nagustuhan mo sakin?"tanong ko sya...

"parang wala kang tiwala sa mukha mo ah...bakit ikaw ba,anong nagustuhan mo sakin?"

napaisip lang ako sa sagot nya at tumitig nalang sa kanya..tama nga naman sya...wala naman talagang basehan ng pagmamahal ihh...

Nasubukan ko na rin kasing ma-in love..ilang beses na...Pero bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya?hmmm....bahala na..natututunan naman daw na mahalin ang isang tao ihh...

So ganun nga un...From now on,siguro kailangan kong i-update tong blog ko...

No comments:

Post a Comment